Wednesday, July 1, 2009

No Election?

Tudla

NoEl


May eleksiyon nga ba sa 2010 o wala?

‘Iyan ngayon ang mga katanungan sa lahat ng sulok ng bayan mga ‘igan.

E kasi naman po, lumutang ang Oplan: August Moon na diumano’y isang uri ng “coup me” at ang biglaang pagkagusot ng nakaplantsa nang poll automation para sa 2010.

Ang napipintong pagkabalam ng poll automation, twin bombings sa Quezon City at pati na ang umano’y destab plot sa gobyerno ay mga indikasyon daw na walang kabalak-balak si Pangulong Arroyo na umalis sa Malacanang.

Kasunod daw ng mga ganyang scenario ay ang pagdedeklara ng Martial Law gaya ng ginawa ni Marcos noong araw na malapit na akong iluwal ng aking ina sa kanyang matris. Ehek!

Diyos na mahabagin mga ‘igan, masisikmura pa ba natin na magtagal si PGMA sa poder?

Masisikmura pa ba natin ang patuloy na mangyayaring kurakutan sa pamahalaan?

Tama na po. Sobra na!

***
Kaawa-awa naman ang mga presidentiables na maagang gumastos o nagwaldas ng milyon-milyon para makahimok ng botante.

Hindi ako makapapayag! Hindeeeee!

At siyempre, lalong hindi makapapayag si Pareng Joey V. ko na hindi magkaroon ng katuparan ang pangarap ng idol niyang si Manny Villar na maluklok sa Malakanyang.

Hindi maaari ‘yan! Sayang ang pag-ungos niya kay Kabayang Noli sa mga survey bilang number one sa presidentiables.

Hindi rin makapapayag si Ate Koring na masira ang ambisyon niyang maging First Lady of the Republic of the Philippines .

Pagod na pagod ang babes niya sa kakapadyak, tapos e wala pa lang halalan. Mabuti pa, nagbantay na lang siya sa palengke.

At sayang ang mga tsinelas na ipinamimigay niya. K lang kayo?!

Kapag nangyari ‘yan….MAGKUKUDETA KAMI!

Kasi, mawawalan kami ng PANG-BANNER sa mga diyaryo.

Hik, hik, hik!

***
Itong si Pareng Erap e, seryoso bang tatakbo sa halalan….kahit mayroon siyang rayuma?

Mantakin ba namang nananakot pa sa oposisyon na kung hindi magkakaisa e, siya na lang ang tatakbong pangulo ng bayan nating minumuta.

E, di tumakbo ka!!! (Madapa ka sana !) Wala naman pong pipigil sa inyo.

Ang tanong e, may maniwala pa kaya kay Erap?

Pero sabi, hindi naman daw tatakbo si Erap. Sasakay po siya. Sumasakit kasi ang rayuma.

Bumili raw siya ng helikopter at maraming van na gagamitin sa kampanya.

Aba’y grabe ha, totoo nga na limpak-limpak ang salapi ni Pareng Erap.

Anong masasabi riyan ni Manong Chavit?

Anak ng JUETENG!

No comments:

Post a Comment