Saturday, July 11, 2009

Ayaw na sa babaeng Pangulo



Written by Nats Taboy

Ayon kay Anakpawis party list Rep. Rafael Mariano, “world wont accept another Gloria”.Ano bang ibig sabihin ng ating kongresista?Hindi na ba katanggap-tanggap na babae uli ang ating magiging Pangulo pagkatapos ng 2010 election?Sa ngayon ay isa lang naman ang babaeng nag-aambisyong maging kasunod ni Pangulong Arroyo.Matagal nang pangarap ni Sen. Loren Legarda na maging reyna ng Malacañang. Kaso, natalo siya ni Noli De Castro sa pagkapangalawang pangulo noong 2004—para maging hagdan niya tungo sa pinapangarap.Iyo’y sa kabila na hindi siya nawawala sa “top 3” ng mga nakaraang senatorial elections.Sadya talagang ganyan. May mga kandidatong malakas lang sa senatorial, pero hindi makaporma sa pagkabise-presidente o presidente.Aminado tayong malakas ang karisma ni Sen. Loren kapag senador ang kanyang tinatakbuhan. Ang kaso, walang kaamor-amor sa kanya ang mga tao kapag nagpaparamdam na siya para maging manok sa pagkapangulo.Siguro’y tama nga si Rep. Mariano. Ayaw na kasi ng marami nating kababayan sa isa na namang Gloria Arroyo.Wataymen, ayaw na sa isang babae para mamuno sa bansa.* * *E sino ba ang nagsasabi na tatakbong pangulo si Loren.Kumalat na sa media na nagpasabi na raw si Sen. Loren sa kampo ni dating Pangulong Estrada na handa siyang maging ka-tandem nito sakaling makapagdesisyon si Erap na tumakbo sa presidential elections.Kinumpirma naman sa atin ng isang nakausap na “nakabaon” sa Erap camp ang pagtatangka raw ni Sen. Loren na mapapayag ang dating Presidente.Tumatango-tango lang daw si Erap. Of course, alangang isnabin ang pagkukusa ni Sen. Loren na maging partner niya sa darating na halalan. Hindi naman kasi bastos kausap si Erap, lalo sa isang babae pa.Ngunit meron tayong naririnig na hindi type ni Erap si Loren bilang ka-tandem.Hindi pa raw nawawala sa gunita ng dating Pangulo kung sino si Loren noong panahon na siya’y nakasalang sa Impeachment sa Senado.Paiyak-iyak pa si Sen. Loren sa pagnanais na mapatalsik si Estrada sa poder.Mabilis makalimot ang mga tao sa kasaysayan kaya nu’ng tumakbo ang namayapang si Fernando Poe Jr. sa pagkapangulo laban kay Gloria, si Sen.Loren ang kinuhang bise-presidente—kahit “medyo” tutol si Erap at walang magawa dahil nakakulong pa sa Tanay, Rizal.E kasi naman, sobrang lakas ni Legarda kay Edgardo Angara na noo’y adviser ni FPJ.Pagdadalawahan talaga ng isip si Erap na kunin si Loren lalo’t hindi pa rin siya nakalilimot sa ginawa sa kanya ng bise-presidenteng si Gloria Arroyo.Trinaydor ni Gloria si Erap para maagaw ang pagkapangulo.Ayaw na ni Erap sa panibagong Gloria at baka bangungutin na naman siya.Bwar, har, har. Hik, hik, hik!Ganyan po talaga pag mag-eeleksiyon. Walang pikunan!* * *Good job ang hakbang ni Edgar Villanueva, QC Assistant Treasurer na magsagawa ng imbestigasyon sa pamamagitan ng Special Task Force laban sa PHILWEBB, ang nagmamantina ng software at maintenance ng computers ng PAGCOR Online Casino sa Quezon City.Mantakin n’yo, nabuko ni Assistant Treasurer Villanueva na limang taon na palang hindi nagbabayad ng buwis sa QC government ang PHILWEBB?May malalaking tao raw na ipinagmamalaki ang PHILWEBB kaya malakas ang loob nito na lokohin ang QC government sa buwis.Pero ayon sa kumpare nating si Joie “Eksperto” Sinocruz, walang malakas na tao kina City Treasurer Vic Endriga at Assistant Treasurer Edgar Villanueva kung pagpapatupad ng tamang paniningil ng buwis ang pag-uusapan. Trabaho lang, walang personalan.Kaya kita n’yo naman, number ang QC sa tax collection. Mabuhay kayo!

No comments:

Post a Comment