Wednesday, July 1, 2009

Kung puwede, bitayin!


Sa wakas ay kinasuhan ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Education Secretary Jesli Lapus at anim na iba pa kaugnay ng pagtatangkang nakawin ang pondo para sa programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng overpriced noodles na para kuno sa food program ng kagawaran.

Dapat lang ito sa mga hinayupak na ‘yan. Halata namang panggagago ang kanilang ginawa sa taumbayan, lalo sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan.

Malaking kasalanan na ginamit nila ang mga inosente’t mahihirap na mag-aaral sa mga liblib na lalawigan upang makapagnakaw sa pondo ng DeEd.

Bantayan lang sana ang pagtakbo ng kaso sa Ombudman. Baka kasi matulugan. O mas malala, baka maibasura o mabalewala.

Ang Jeverps Manufacturing Corporation ang nakakuha ng katarantaduhgang kontrata na ‘yan sa DeEd. Una ay nagkakalahalagang P284,127,840 noong Nobyembre 13, 2007 para sa delivery ng “fortified noodles with fresh eggs” at ang pangalawa, nagkakahalagang P427,215,360 noong Pebrero 2009 para sa delivery ng “fortified noodles with fresh eggs at malunggay.

Mantakin n’yo, dapat bang gumastos ang gobyerno ng halos P800 milyon para lang sa noodles na hindi naman sigurado kung makapagbibigay ng sustansiya sa mag-aaral?

Pero sana, huwag lang hanggang kaso ang mapala ng mga manloloko sa DeEd.

Dapat sa kanila ay tuluyang maipakulong at kung pupuwede ay bitayin.

Si Colonel ng QCPD, kalahi ni ‘Badingger-Z”


Nahuli ng ating surot ang isang colonel ng Quezon City Police District na kumekerengkeng sa isang KTV Bar sa lungsod. Kumekerengkeng, as in, naglalandi.

Alam n’yo ba? Imbes bodyguard, mga bakla rin ang kasama ni Colonel.

Noong una’y ayokong maniwala sa bulung-bulungan na bakla itong si Colonel P., as in, mahilig sa PAPA.

Kasi si Colonel, kilalang mabagsik at matipuno. Malaki rin ang tiyan.

Pero nung makita siya ng ating surot, totoo ang tsismis. Habang kumakanta ng awit ni Britney Spears si Colonel, ang hitad ay nagbu-byutipul eyes pa dahil may naispatang “papabol” sa kabila niyang lamesa.

Ang malandi nang hindi makatiis, lumapit sa nasabing papabol at dun na nagpakyut nang nagpakyut. Bigla na lamang daw naglaho si “Badingger-Z” na akala mo ay may isang misyon. ‘Yun pala, kinaladkad na ang naispatang PAPA.

Noong nagko-cover pa ang ating surot sa Maynila, nakikita niya si Colonel P. dahil dati siyang kumander doon.

No comments:

Post a Comment