Wednesday, July 1, 2009

Kontrahin ang House Bill Nos. 6078, 2178 at 6023

Natski
(Hataw, Police Files Tonite)


GAYA ng ginagawang pagtutol ng mga militante, oposisyon at concerned Filipino sa Charter change, dapat din nilang tutulan ang pagsusulong sa mababang kapulungan ng Kongreso ng mga House Bill 6078, 2178 at 6023 na naglalayong maamyendahan ang Local Government Code of 1991 o RA 7160 upang ilipat ang kapangyarihan ng pagpili ng tesorero sa buong bansa mula sa Department of Finance (DoF) patungo sa mga alkalde at gobernador.
Isipin n'yo na lang mga suki kapag nangyari ito. Ang mga nasabing House Bill ay mukhang bahagi ng Chacha sa pamamagitan ng ConAss na gustong mangyari ni Mrs. Arroyo at ng mga kampon niya sa Kamara.
Kapag nagtagumpay ang ConAss at tuloy-tuloy na naisulong ang amiyenda sa RA 7160, yari na tayo bayan.
Bukod sa magkakaroon ng lubos na kontrol sa perang ibinubuwis ng taumbayan ang mga alkalde o gobernador, sakal-sakal pa nila sa leeg ang mga tesorero sa tuwing sasapit ang eleksiyon.
Ang tesorero ang itinatalaga ng Comelec bilang board of canvassers tuwing halalan.
Sila rin ang nagsisilbing tagapag-ingat ng lahat ng election paraphernalia gaya ng ballot boxes kung saan inihuhulog ang ating mga boto.
Kung ang lahat ng tesorero ay hawak na sa leeg ng mga mayor o governor, puwede silang maging sunod-sunuran kung nais babuyin ang resulta ng eleksiyon. Kung hindi naman susunod, sibak sila sa posisyon. Magtatalaga ang mga mayor at governor ng kaya nilang pahimurin sa kanilang puwit.
Hindi lang 'yan, kung kasabwat ng mayor o governor ang tesorero na itinalaga, yari ang buwis ni Juan dela Cruz. Ano mang sandali ay maaari nila itong waldasin.
Malapit na ang halalan kaya minamadali raw ng apat na kongresista ang HB 6078, 2178 at 6023---mga batas na posibleng maging armas lang ng mga tiwaling alkalde at gobernador para dayain ang kanilang makakatunggali.

"Cong Aso"

MALINAW ang mensahe ng paghugos ng mga nagprotesta noong Miyerkoles sa Makati City. Itigil na ni Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng kanyang mga "Congressman Aso" (ConAss) ang balak na palitan ang kasalukuyang Saligang Batas para magtagal siya sa poder.
Kitang-kita sa harot ng Cha-cha sa mababang kapulungan ng Kongreso ang malanding kendeng ni Mrs. Arroyo. g
Ramdam na ramdam na kasi niya na malapit na siyang makarating sa sukdulan sa patuloy na pagbayo ng kanyang mga aso sa Kongreso.
E ikaw ba naman ang suhulan ng P20 milyon, kakasta ka talaga kahit sa gitna ng kalsada kahit pa ituring na baboy. Mga walang kahiya-hiya.
Pero sa Makati noong Miyerkoles, mukhang mabibigo si Gng. Arroyo na marating ang inaasam na "climax". Ipinaramdam ng taumbayan na ang kababuyan at kalibugan sa saliw ng maharot na Cha-cha ay hindi uubra kahit anong pilit pang pagkadyot ang gawin ng mga aso sa Kongreso.
Ang protesta sa Makati ay kitang buwelo pa lamang. Mismong ang bayan na ang nagsasalita. Itigil na ni Mrs. Arroyo ang pagkahayok sa Cha-cha at itigil na rin ng kanyang mga "Cong Aso" ang masamang balak sa Konstitusyon.
***
Dapat huwag itigil ng bayan ang pagbabantay laban sa Charter change.
Wala raw talagang ibang tinutumbok ang ConAss kundi ang pagpapalawig ng kapangyarihan ni Mrs. Arroyo.
Kung nasa kapangyarihan ang pamilya Arroyo, makaliligtas sila sa sari-saring sakdal na hindi malayong kaharapin kapag nawala na sila sa poder.
May kumakalat na balitang si First Gentleman Mike Arroyo ay hindi na kailanman maaari pang makatapak sa American soil. Ang dahilan daw, napatunayang guilty ng isang International anti-money laundering task force ang Unang Ginoo. Si FG Mike ay sinasabing ban na sa anumang US territory.
Gaano kaya ito katotoo? May kinalaman ba ito sa nilalabhan umano niyang kuwarta sa pangalang Jose Pidal?
Kaya ang lahat ng kuwarta ngayon ng mga Arroyo ay nakatago sa Spain. Mukhang sa bansang ito sila tatakbo pagkatapos ng 2010.
Kung mawala na sa poder ang kanyang esposang si Gloria, delikado nga si FG Mike. Diretso siya sa kulungan sa ilalim ng bagong gobyerno sa Pilipinas.
Kaya gayon na lamang daw ang pagpipilit nila sa Charter change. Walang ibang intensiyon ang Cha-cha kundi palawigin ang kapangyarihan ni Gloria.

No comments:

Post a Comment