Saturday, July 11, 2009

Kapal naman talaga ni Mikey!


Written by Nats Taboy
Friday, 27 March 2009 16:08


Kapal naman talaga nitong si Mikey Arroyo, anak ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at kongresman ng Pampanga. Sobrang gahaman sa kapangyarihan.Nalaman ni Teddy Casino ng Bayan Muna party list na na isinusubo ni Mikey, kasabwat si Rep. Martin Romualdez ng Leyte, kay Pangasinan Rep. Jose de Venecia ang Speakership ng Kamara de Representantes na inuupuan ngayon ni Davao Rep. Prospero Nograles.Ang sabi ni Casino, inaalok ni Mikey kay JDV ang Speakership kung susuportahan ng huli ang Charter change.Kung magtatagumpay ang Cha-cha, hahaba ang termino ng kanyang nanay sa Palasyo. At siyempre, pati siya ay magtatagal sa pagkakongresista sa Pampanga, ang kanyang kapatid na si Datu sa Camarines Norte at tiyuhin na si Iggy sa Negros.Higit sa lahat, maliligtas sila sa pagkakulong kung hindi sila maaalis sa kapangyarihan.Ano ba ang ibig sabihin ng pinaplano ni Mikey? Patatalsikin nila si Nograles sa Kamara sa pamamagitan ng kudeta at si JDV uli ang ipapalit?Tingnan n’yo ang asal na ‘yan ni Mikey. Hindi ba’t sobrang tuso? Ipinakikita kung gaano sila kasakim sa kapangyarihan.Hindi ba’t sila ang nagmaniobra para mapatalsik si JDV sa pagiging Speaker ng Kamara?Dahil kapos ang mga kongresistang susuporta sa kanilang Cha-cha, dinedemonyo nila si JDV na batid sa Kamara na marami pa ring kabig.Ginagawa niyang tanga si JDV. Hindi naman siguro siraulo si JDV para patusin ang alokng mga taong humudas sa kanya.Kung hinudas siya noon, puwedeng hudasin uli.Pero hindi natin alam ang laman ng isip ni JDV. Kilala rin siyang sakim sa poder. Baka kumagat pa rin.Alam naman natin sa politika, away-bati, bati-away ang mga hinayupak diyan para sa kanilang pansariling interes.* * *Balikan natin mga suki ang tinalakay nating mga establisimiyento sa Quezon City na nagpapanggap na masahehan pero ang pangunahing negosyo ay “nonggahan”.Nangunguna po riyan ang GRANDEUR HEALTH CENTER na nasa Timog Avenue. Mantakin n’yong maraming ina ng tahanan ang napagkakamalan ang establisimiyento bilang HEALTH CENTER ng barangay. Hindi po health center ang GRANDEUR. Ang GRANDEUR ay puntahan ng kalalakihang gustong magparaos ng libog.Imbes lumakas o lumusog ang mga pumapasok sa GRANDEUR, sila’y nanghihina pagkalabas. Supsupin ba naman ang kanilang “powers” at kabayuhin ng mga batang-bhatang attendant.Gaya ng GRANDEUR, matindi rin ang IMPERIAL HEALTH PALACE at EXECUTIVE HEALTH CENTER na nasa Quezon Avenue.Mantakin n’yo, HEALTH CENTER ang tawag sa mga ito pero SAKIT ang posibleng makuha ng mga parokyano.Mayor Sonny Belmonte sir, hindi kaya nahihilig ang mga tauhan mo diyan sa City Hall na dapat magsuri sa mga aktibidad na nangyayari sa HEALTH CENTERS kuno na ‘yan?Aba e, garapalan na ang pagbebenta ng laman sa mga establisimiyentong ‘yan pero hindi pa yata naipasasara?! Ano ba naman ‘yan yorme?!

Among Ed

Written by Nats Taboy
Wednesday, 18 February 2009 16:10


NAKABIBILIB ang katapangan ni Pampanga Gov. Ed Panlilio o Among Ed na ibulgar na kaya hindi matigil ang jueteng sa lalawigan ay dahil sa pagpadrino ng matataas na tao sa ating gobyerno sa ilegal na sugal.Ipinunto ng dating pari na kaya talamak pa rin ang jueteng sa Pampanga ay dahil sa kainutilan ng hepe ng pulis dito. Malakas ang loob ng hepe ng pulis na huwag hulihin ang jueteng ‘pagkat hindi naman siya masisibak sa puwesto. May polisiya ang Philippine National Police (PNP) na kapag may jueteng sa isang lugar, sisibakin ang hepe ng pulis na nakasasakop.Ang sabi ni Among Ed, si Pampanga Representative at anak ni Pangulong Arroyo na si Mikey Arroyo ang pumapadrino sa hepe ng pulis na si Sr. Supt. Keith Singian (Inalis na kamakalawa dahil sa epose ni Among Ed).
Hindi naman tinukoy ni Among Ed kung si Mikey ang promotor ng jueteng sa Pampanga.Ang alam ng lahat sa Pampanga at ng buong Pilipinas, ang nanay ni Mikey na si Pangulong Arroyo ay kumpare ni Jueteng King Bong Pineda. Si Bong Pineda ay isa sa pinakamalaking tagasuporta ng Pangulo kahit noon pa mang tumakbo siyang senador, bise presidente hanggang sa agawin ang poder kay Joseph Estrada.Pinapuputok sa mga balita na wala na raw jueteng sa Pampanga si Bong Pineda. Matagal na raw siyang nag-iba ng linya. Linya ba o ng estilo? Pero walang naniniwala na wala nang jueteng si Bong Pineda sa Pampanga.Minsan sa “No Holds Barred” ng National Press Club, ikinumpisal ni Among Ed na patuloy pa rin ang jueteng sa bayan mismo ni Pangulong Arroyo. Nagkukubli raw ang jueteng sa likod ng operasyon ng small town lottery ng PCSO.
Nagtataka si Among Ed na kung bakit sa kabila na malakas ang STL sa Pampanga, wala namang pumapasok na kita sa munisipyo. ‘Yun pala, ang mga kubrador ng STL ay ‘yung mga krubrador din sa jueteng kaya diretso sa bulsa ng gambling lord ang taya.Kung hindi si Bong Pineda ang nasa likod ng patuloy at malakas pa ring jueteng sa Pampanga, bakit patuloy ang kampo niya sa pamimigay ng intelihensiya sa pulisya at ilang kasapi ng media?* * *Bagama’t pinagbigyan ni PNP chief, Director General Jesus Verzosa na sibakin ang hepe ng pulis sa Pampanga na pinapadrino ni Mikey, hindi pa rin ganap ang tagumpay ni Among Ed dahil hindi ang nais niyang pulis ang naiupo bilang bagong police chief.Nasa batas na may karapatan ang isang gobernador na magrekomenda ng gusto niyang police chief sa kanyang nasasakupan. Pero bakit hindi magawa ni Gen. Verzosa?Madalas kasi, kasalanan ng mga police chief kung bakit nagkakaroon ng ilegal na sugal sa kanyang lugar. Pinababayaan ng ilan na makapag-operate ang gambling lord kapalit ng lingguhang intelihensiya.Alam na alam diyan sa Kampo Crame na ang bawat police chief sa isang lalawigan na may operasyon ng jueteng ay mayroong ipinararating na “quota” sa mas nakatataas sa kanila. May nakararating din kaya kay Gen. Verzosa?Kaya hindi masisisi si Among Ed na pagdudahan ang pumalit na hepe ng pulis sa Pampanga. Baka nga naman kasi malamang n’yan, nakapangako na ito ng mas malaking quota sa sinumang nagpadrino at nagrekomenda sa kanya.Paano ba naman niyang matitigil ang jueteng? Lalo na ngayon, malapit na naman ang eleksiyon.* * *Sa Quezon City, tuloy-tuloy pa rin ang jueteng ni Tony Bolok na “Central Marikina”. Nakakahiya iyan sa bahagi ng kaheheneral pa lang na si Magtanggol Gatdula na naturingan pa namang “best police director” at ang QCPD bilang “best police district”.Col. Laciste sir, baka puwedeng pakilansag ang jueteng ni Tony Bolok. Nakakadyahi ‘yan sa mga ipinutong na karangalan kay Gen. Gatdula at sa QCPD sa kabuuan.Isabay n’yo na rin ang lotteng ng isang “Lito”. Aabangan po namin ang aksiyon n’yo.

Ayaw na sa babaeng Pangulo



Written by Nats Taboy

Ayon kay Anakpawis party list Rep. Rafael Mariano, “world wont accept another Gloria”.Ano bang ibig sabihin ng ating kongresista?Hindi na ba katanggap-tanggap na babae uli ang ating magiging Pangulo pagkatapos ng 2010 election?Sa ngayon ay isa lang naman ang babaeng nag-aambisyong maging kasunod ni Pangulong Arroyo.Matagal nang pangarap ni Sen. Loren Legarda na maging reyna ng MalacaƱang. Kaso, natalo siya ni Noli De Castro sa pagkapangalawang pangulo noong 2004—para maging hagdan niya tungo sa pinapangarap.Iyo’y sa kabila na hindi siya nawawala sa “top 3” ng mga nakaraang senatorial elections.Sadya talagang ganyan. May mga kandidatong malakas lang sa senatorial, pero hindi makaporma sa pagkabise-presidente o presidente.Aminado tayong malakas ang karisma ni Sen. Loren kapag senador ang kanyang tinatakbuhan. Ang kaso, walang kaamor-amor sa kanya ang mga tao kapag nagpaparamdam na siya para maging manok sa pagkapangulo.Siguro’y tama nga si Rep. Mariano. Ayaw na kasi ng marami nating kababayan sa isa na namang Gloria Arroyo.Wataymen, ayaw na sa isang babae para mamuno sa bansa.* * *E sino ba ang nagsasabi na tatakbong pangulo si Loren.Kumalat na sa media na nagpasabi na raw si Sen. Loren sa kampo ni dating Pangulong Estrada na handa siyang maging ka-tandem nito sakaling makapagdesisyon si Erap na tumakbo sa presidential elections.Kinumpirma naman sa atin ng isang nakausap na “nakabaon” sa Erap camp ang pagtatangka raw ni Sen. Loren na mapapayag ang dating Presidente.Tumatango-tango lang daw si Erap. Of course, alangang isnabin ang pagkukusa ni Sen. Loren na maging partner niya sa darating na halalan. Hindi naman kasi bastos kausap si Erap, lalo sa isang babae pa.Ngunit meron tayong naririnig na hindi type ni Erap si Loren bilang ka-tandem.Hindi pa raw nawawala sa gunita ng dating Pangulo kung sino si Loren noong panahon na siya’y nakasalang sa Impeachment sa Senado.Paiyak-iyak pa si Sen. Loren sa pagnanais na mapatalsik si Estrada sa poder.Mabilis makalimot ang mga tao sa kasaysayan kaya nu’ng tumakbo ang namayapang si Fernando Poe Jr. sa pagkapangulo laban kay Gloria, si Sen.Loren ang kinuhang bise-presidente—kahit “medyo” tutol si Erap at walang magawa dahil nakakulong pa sa Tanay, Rizal.E kasi naman, sobrang lakas ni Legarda kay Edgardo Angara na noo’y adviser ni FPJ.Pagdadalawahan talaga ng isip si Erap na kunin si Loren lalo’t hindi pa rin siya nakalilimot sa ginawa sa kanya ng bise-presidenteng si Gloria Arroyo.Trinaydor ni Gloria si Erap para maagaw ang pagkapangulo.Ayaw na ni Erap sa panibagong Gloria at baka bangungutin na naman siya.Bwar, har, har. Hik, hik, hik!Ganyan po talaga pag mag-eeleksiyon. Walang pikunan!* * *Good job ang hakbang ni Edgar Villanueva, QC Assistant Treasurer na magsagawa ng imbestigasyon sa pamamagitan ng Special Task Force laban sa PHILWEBB, ang nagmamantina ng software at maintenance ng computers ng PAGCOR Online Casino sa Quezon City.Mantakin n’yo, nabuko ni Assistant Treasurer Villanueva na limang taon na palang hindi nagbabayad ng buwis sa QC government ang PHILWEBB?May malalaking tao raw na ipinagmamalaki ang PHILWEBB kaya malakas ang loob nito na lokohin ang QC government sa buwis.Pero ayon sa kumpare nating si Joie “Eksperto” Sinocruz, walang malakas na tao kina City Treasurer Vic Endriga at Assistant Treasurer Edgar Villanueva kung pagpapatupad ng tamang paniningil ng buwis ang pag-uusapan. Trabaho lang, walang personalan.Kaya kita n’yo naman, number ang QC sa tax collection. Mabuhay kayo!

Ang maniwala sa sabi-survey, walang bait

May kasabihan tayo.Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. May tililing. May sira sa ulo. Payag ba kayo?Ganyan din tingin ko ang mga naniniwala sa sabi-survey. Bwar, har, har! Na binayaran ng mga politikong gustong manguna sa sarbey.E tingnan n’yo naman kasi, halos sunod-sunod ang lumalabas na resulta ng iba’t ibang survey groups.Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi pare-pareho ang ang resulta nito? E, bakit nga ba?Kasi’y komporme ito kung sino o kung aling kampo ang nagpakomisyon sa survey firm.Napakadali namang maunawaan o masabi kung dapat itong paniwalaan o hindi. Pinakamahalagang aspeto ng mga survey KUNO ay ang porma ng mga kuwestiyon na ibabato at ipasasagot sa tinatawag nilang respondents.At diyan nagkakatalo o nagkakaiba-iba ang resulta o mas mainam sabihing sinasadyang PERCEPTION na nais ipalabas sa publiko ng mga nagpakomisyon.Sa maniwala kayo’t sa hindi, masinop na kino-compose o binubuo ang mga espesipikong tanong o “catch question” upang mahuli ang mga “respondent” sa kanilang itinatagong saloobin hinggil sa tinatarget na issue.Pero, ang totoong resulta ng survey ay itinatago sa publiko ng mga nagpakomisyon at inilalantad lamang sa media ang mga “sagot” na nais nilang UMIMPLUWENSIYA sa malaking tipak ng populasyon o mismo ng mga BOTANTE.‘Pagkat sila ang “gumastos o nagbayad”, siyempre, hindi natin makukuwestiyun o mapupuwersang ilantad ng survey groups tulad ng SWS, Pulse Asia at iba pa ang TOTOO dahil ang PAKAY ay makuha ang sagot sa ITINATAGONG ADYENDA ng mga pananaliksik na ito.Napupulaan ang mga survey group sa kanilang PROJECTION kasi’y maaaring nagkamali o sinadyang maliin ang “porma o istruktura” ng mga tanong.Maaari ring tama ang SAGOT pero mali ang “construction ng sentence” na nagbibigay kalituhan sa mga NAG-AANALISANG publiko.Kaya naman hindi dapat isandal sa “SAGOT” sa questionaire, ang resulta ng survey, bagkus mas dapat munang UNAWAIN ang TANONG para mapalutang ang TUNAY NA DAMDAMIN ng populasyon.Ngayon, dapat pa bang maniwala sa resulta ng mga sabi-survey na ‘yan?Kung pagbabatayan ang mga survey, wala na sanang mga politikong naghabol sa tambol mayor dahil umaangal na nadaya ‘pagkat NANGUNGUNA siya sa SWS, Pulse Asia at kung ano-ano pang RAKET na ganyan bago ang aktuwal na bilangan ng boto.

Davaoenos, gising!!!

Davaoenos, gising!!!
Isang mass grave ang natagpuan sa Davao City.

Hinihinalang dito inililibing ng Davao Death Squad (DDS) ang kanilang mga pinapatay nang walang kalaban-laban. 'Yun bang mga isina-salvage kahit hindi kumpirnado kung may kasalanan sa batas

Alam n'yo naman siguro kung ano ang DDS. Ang DDS ay protektado ng isang maimpluwensiyang politiko sa lalawigan. O kaya, sabihin na nating pinopondohan para mapangalaagan niya ang kanyang interes.

Ang sinumang kumalaban at bumangga sa politikong ito, kahit pa miyembro ng media, itinutumba ng DDS.

Ilang kasamahan na natin sa media sa Davao ang napatay, hinihinalang kagagawan ng DDS? Umaabot na raw sa mahigit 800 ang biktima ng summary killings sa Davao City.

Pero kung pakikinggan natin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ang akala mo'y walang krimen na nangyayari sa kanyang lungsod.

Totoo naman kasi ang sinasabi ni Mayor Duterte. Tahimik sa Davao City. Kasi nga po, tahimik kung mangyari ang patayan. Binibitbit ang sinumang gustong patayin sa killing fields ng DDS at duon na inililibing.

Kaawa-awa naman ang pamilya ng mga biktima. Wala silang mapaglamayan. Hindi mabigyan ng marangal na libing ang kinakatay ng DDS.

Karima-rimarim ang balitang 'yan na pagkakadiskubre ng killings fields sa Davao.

Mantakin n'yo, habang ipinagyayabang ni Mayor Duterte na peaceful sa lungsod may sangkatutak na palang palihim na pinapatay sa killing fields. Huh! Killing fileds talaga ha. Tambakan ng patay! Namputsa!
***Dapat nating purihin ang Commissionn on Human Rights, lalo si chair Laila de Lima, sa pagkakatuklas ng killing fields na 'yan sa Davao City.

Kung hindi buo ang loob ni De Lima, baka walang mangyari sa pag-imbestiga niya sa summary killings. Si Duterte kasi ang naging kahiya-hiya sa development na ito sa kaso.

Kilala n'yo naman siguro si Duterte. Ayaw niyang napapahiya. Matindi magalit 'yan.

Ngayon, may magagawa pa ba ang galit ni Duterte e, umalingasaw na mismo sa harap niya ang natatagong baho sa Davao City. Mag-ingat lang po sana si Chairman De Lima Hindi biro ang kanyang binabangga Isang organisadong grupo ng mga mamamatay tao.

Sa mga taga-Davao City, hoy gising!

Wednesday, July 1, 2009

Tadyak kay Mar Roxas






Ang komento ni Mr. Jerry Yap sa kanyang column na BULABUGIN kamakailan ay trying hard, as in, DESPERADO na si Sen. Mar Roxas na makuha ang puso ng masa dahil sa pinaggagagawa niyang mga gimik.

Mula sa pagiging Mr. Palengkero, este, MR. PALENGKE pala na orihinal na konsepto ni Sen. Manny Villar na naging si NARDONG ITIK na, gusto naman yata ngayon ni Mar Roxas na tawagin siyang MR. PADYAK.

May bago pong TV AD si “Mr. Korina Sanchez” habang nagpapadyak ng PEDICAB.

Ang sabi nga ni BULABUGIN, gustong maipakita ni Mar Roxas na isa siyang makamasa. ‘Yun bang kayang tumapak sa lupa para maabot ang maliit na mamamayan.

Sino’ng maniniwala na ang isang tulad n’ya na Kastilalo’y at lumaki sa yaman ay kayang magkaliskis ng isda sa palengke at magpapadyak maghapon ng bisikleta habang lumalanghap ng maitim na usok sa kalsada?

Hoy, Mar! Kilabutan ka nga sa mga pinaggagagawa mo!

Hindi mo ba alam na masama ang ipinakikitang halimbawa ng bago mong TV commercial? Gusto mong dumami ang nagpapadyak ng bisikleta sa kalsada?

Hindi masama ang hanapbuhay na pedicab. Ang totoo, marami diyan ang nabubuhay.

Ang kaso, nakapeperhuwisyo ang sobrang pagdami ng pedicab sa daloy ng ating trapiko.

Sumasakit ang ulo ng ating mga pulis sa kahuhuli sa mga ‘yan dahil ang karamiha’y abuso sa mataas na paniningil ng pasahe bukod sa naghambalang sa gitna ng kalsada.

Patawad sa mga kababayan nating “padyak” pero ‘yan ang totoo hindi ba?

Hoy, Mar! Kung nais mo palang makuha ang suporta sa iyo ng mga PADYAK, bigyan mo sila ng bagong trabaho.

Kung ‘yung perang ibinayad mo sa komersiyal e, ibinigay mo na lang sa mga PADYAK para maging puhunan sa pagsisimula ng negosyo, ayos na sana!

Gusto mong maiboto ka hindi ba? Pero kung ayaw mo, ituloy mo lang ‘yang gimik na MR. PADYAK.

Tingnan natin kundi TADYAK ang makuha mo nang pulutin ka sa kangkungan. Bwar, har, har! Hik, hik, hik!

Osiris Grill kuno, iyutan pala!

BAGONG modus-operandi ngayon ng mga bahay-aliwan na magkunwaring retaurant, grill o ihawan para hindi mahalata ng ating kapulisan na may nagaganap ditong kalaswaan at kababuyan.

Nalaman natin na itong OSIRIS GRILL sa Quezon Avenue, katabi lang ng METALLICA DISCO ay puntahan ng mga MANYAKOL. ‘Yung mga lalaki bang naghahanap ng MAMAMANYAK.

Aysus, kay dami po niyan sa OSIRIS GRILL. Ang akala naman natin, IHAWAN lang talaga ang OSIRIS na ito. Aba’y IYUTAN pala.

Ginagawa ang kababalaghan ng mga babaeng nakukuha sa OSIRIS sa katabi namang NAIPASARA nang CITRUST HEALTH CLUB. Sarado na pala, inoopereyt pa. Bagong modus hindi ba?

Alam n’yo ba kung ano dati ang OSIRIS GRILL? Ito ‘yung BROOKESPOINT na nabulgar sa programang IMBESTIGADOR ni Mike Enriquez na may nagaganap na “NONGGAHAN”.

Hindi naman po nagsara ang BROOKESPOINT. Nagpalit lang ng pangalan, ang OSIRIS GRILL.

Pareng Pax Maghacot ng QC-Business Permit and Licensing Office (BPLO), paano nakalusot ang lisensiya sa iyo nitong OSIRIS GRILL. Teka, may lisensiya nga ba?

Bagong QCPD chief, Col. Elmo San Diego sir, pakipapuntahan nga sa mga bata mo ang bahay-aliwang ito na nagtatago sa anyo ng IHAW-IHAW kuno.

Prostitution-friendly ang QCPD


Print E-mail


Business friendly daw ang Quezon City kaya naman nangunguna ang lungsod kung pag-uusapan ang koleksiyon sa buwis.

Hindi raw kasi mahigpit ang Quezon City sa mga pumapasok na negosyo sa lungsod basta ang mahalaga ay maayos at nasa tama magbayad ng tax ang isang establisimiyento.

Habang ang QC government ay maganda ang pakikitungo sa mga legal na negosyante, ang Quezon City Police District (QCPD) na nasa ilalim ngayon ni Sr. Supt. Elmo San Diego ay mukhang berigud din ang relasyon sa mga night club na prente lang ng prostitusyon at kung ano-anong kababuyan na naglipana sa lungsod.

Bakit kaya? Dahil ba maganda magbigay ng tax, este, intelihensiya ang owners ng mga night club sa Kyusi, partikular sa nasasakupan ng Police Station 10?

Ano’ng masasabi mo Col. Ferdinand Ampil, sir?

Ayon sa Department of Health report hinggil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng AIDS o HIV cases sa bansa, mahigit 50 porsiyento na nagtataglay nito ay mga sex worker.

Hindi ba’t nakababahala na dahil maluwag ang QCPD o ang QC government sa mga bahay-aliwang front ng “kangkangan” sa lungsod ay baka lalo pang tumaas ang kaso ng AIDS at HIV sa bansa.

Wala sanang maligaw sa QC night clubs na mga sex worker na nagtataglay ng nasabing sakit.

Pero sino bang nakaaalam kung ligtas nga ang mga sex worker sa QC night clubs?

‘Yung mga naghilerang night club sa Quezon Avenue ay sobrang garapal na kung mag-aya ng “gimik” sa kanilang kustomer ang mga sex worker. Galit pa kapag sila’y tinanggihan. Eksampol diyan sa STARDUST, QUEENS CASTLE, MYSTIQUE, CATWALK, PEGASUS, METALLICA AT OSIRIS GRILL.

Lalo na riyan sa GRAND AMIHAN na nasa Timog Avenue.

Ang mga babae ay hitsura nang mga zombie dahil tuyot ang mga balat pero patuloy pa ring ibinubugaw sa mga kustomer.

Ligtas pa ba ang mga ‘yan sa sakit?

Mayroon naman daw silang regular check-up. E, anong klaseng check-up? Sino ang nagtsi-check-up?

Hindi ba’t ipinagbabawal sa mga night club ang mga “gimik” o pakikipag-sex ng dancer o GRO sa customers sa VIP.

Bakit garapal na nangyayari ito sa QC night clubs lalo diyan sa GRAND AMIHAN.

Mukhang hindi na ito alam ng QCPD. O alam pero nagbubulagbulagan lamang dahil nga sa sila ay PROSTITUTION FRIENDLY?

Baka panay kasi laklak at pagimik ng mga pulis sa mga prostitusyon na ‘yan.

Hoy, Col. Ampil! Kumilos ka naman! Nakakahiya!